they say eating too much before sleeping actually causes nightmares.. i've never really believed it until last night. actually, hindi naman 'nightmare' yung dream ko.. masaya nga siya if you think about it eh. kaya lang, ewan ko ba.. weird eh! napanaginipan ko c Kal El (yup,may code name na rin ako finally). weird kasi i was not even thinking about him before sleeping.. mas may iba pa akong pinoproblema bago matulog pero napanaginipan ko pa rin??!! sa dream ko kasama ko siya sa school.. ewan ko kung anung school yun (kung college or high school) or anung subject. parang the whole day ko ata siyang kasama sa school for some reason.. nasa classroom kami pero parang wala namang teacher or teaching na nagaganap. we were just talking the whole time.. ang sama nga eh at nde ko na maalala pinag-usapan namin.. eh di sana may natutunan pa ko. :P hehe. oh well..
hotel weekend na namin bukas. yey! pinaka-hate ko lang ginagawa sa mga ganyan eh yung packing the night before.. kakatamad eh! sa Astoria nga pala kami, yun ata yung hotel na pinagtuluyan ng scq cast nun eh..lol. siyempre dun lang siya familiar sakin! :) sana hindi na ako antukin sa gabi para ma-maximize yung time sa hotel..lol. grabe kasi si dona last year, halos hindi kami patulugin ni aisa! mga 3am na rin nga kami nahiga para matulog tapos hindi pa rin kami tinitigilan! hindi daw kasi siya makatulog ang everything.. tapos the next day siya pa rin yung gumising samin.. parang hindi ata natulog kasi gusto pang mag-explore sa oakwood. sana ganun din yung energy ko 2m. pero i think malabo yun kasi the past few days super sandali lang tulog ko eh.. usually mga 1am na ko natutulog.. kulang sakin yun! :) basta isa lang sure ako, super dami na naman naming kakainin!! haha. buffet kasi yung afternoon snack, dinner and breakfast.. yum!
finally natuloy na rin yung choco buffet nung weds (march8).. grabeh! kapagod talaga siya pero ang saya(!!!) nung natapos na.. i think lahat naman ng guests natuwa sa food namin and sa service.. ang guest ko? ang mahal kong kuya and his lovely girlfriend, ate kria. sobrang nabusog daw kuya ko (haha. akala pa niya before hindi siya mabubusog!) sa dinner pa lang.. tapos yung iba ngang chocolate dish hindi na nya natikman.. in fairness, ang dami din naming nakain after. yup, hindi din talaga naubos yung food. actually nauwian ko pa sina mom, dad and voltaire ng cream puffs eh. :) ang hirap ng house keeping!!!!!! imagine, from 4pm (tapos ng class namin) until 11pm naghuhugas kami ng plates??!! nag-break lang nung nag-dinner kami sandali. natutuwa ako kasi kami ni aisa yung nagprepare nung banana crepe filling.. medyo matapang lang daw tlaga yung alcohol pero masarap. :)
wala na akong ibang ginagawa this past few days kundi bumalik sa UH at mag-work.. haay.. 56 hours, kelan ka ba matatapos??!!