Monday, May 29, 2006

a surprise sleep-over

ang hirap pala ng surprise sleep-overs.. wala kang dalang kahit anung gamit so medyo uncomfortable talaga ang feeling. kamusta naman ang walang dalang toothbrush? hehe. nag-sleepover kami kina louie kahapon para matapos na yung kailangan gawin before school starts.. anu-ano yun?
- bookmarks for the sophies (invite yun sa orsem)
- org presentation sa 1/8 illus. board
- survival guide for freshies
- org presentation for the college assembly
- plan the org's bulletin board display


nag-meet kami nila jozy, tope, dona, aisa and tina sa tambayan ng 8:30am (ako pnka late.. mga 8:45am.. yup, maaga talaga sila) kahapon para mag-conceptualize at makapagsimula na sa mga pwedeng simulan.. tapos around 10:30am ata kami umalis to go to louie's.. dun na talaga kami gagawa ng bulk ng aming tasks.

medyo nahirapan kaming makapagsimula sa ilang tasks kasi inaayos yung computer nila louie.. mga 3pm pa ata natapos eh so hindi pa talaga nmin masimulan yung majority nung work. plano naming umuwi ng mga 7pm, pero hindi nga rin natuloy.. hanggang sa napag-desisyunan na matulog na lang yung mga pwedeng matulog kina louie para matapos na. hindi talaga ako nagpaalam and all kasi sobrang feeling namin matatapos namin yun.. buti na lang pumayag si mama kahit biglaan (buti na lang malaks ulan dito, so medyo natatakot na rin siyang umuwi ako lalo na't wala na atang shuttle nung time na yun).

kaya all through the night the BIG4 (hehe) worked and worked.. buong gabi naming kaharap ni louie ang mga bookmarks na yan tapos sina dona at tope ung 1/8 illus. board at computer ang pinang-gigilan.. ilang beses na nga kaming nagrereklamo kay big brother eh. hehe. hanggang sa mirakulong natapos na ang bulk ng gagawin at nag-decide na kaming matulog ng around 3am. well, c louie mga 2am tinulugan na kami. kaya nga sabi namin mae-evict na yun eh.. haha. ilang beses na siyang pinapatawag ni big brother sa confession room, ayaw pa rin magising.
*so gets na na nag-break kami nung pbb teen edition eviction night na noh? :D

nagising ang adik-na-batang-parang-hindi-kailangan-ng-katawan-niya-ng-tulog na nagngangalang tope ng mga 6:30am at pinagpatuloy ang natitirang tasks.. unti-unti na rin kaming nagising at pinag-patuloy ang trabaho. hanggang sa mga 10:30 ay sa wakas, natapos na ang mga gagawin.

nanalo ang BIG4 sa task!

napaka-ganda ng resulta.. promise. hehe. swerteng mga freshies at sophies talaga toh oo.