whew.. natapos na rin ang PFR (pre-function report) kahapon! sobrang saya! so this week wala tuloy masyadong kailangan gawin for the function (mga kanya-kanyang planning per grp na lang). para tuloy ang luwag ng weekend na toh.. nakakapanibago! =D
first exam din kahapon sa 112, at open notes pala siya (mostly essay xc)! kamusta naman un? hehe.. dahil tuloy dun okay lang siya. actually, mas okay talaga yung mga ganung exam eh. dati ayoko ng essay-type exams, pero mas gusto ko na siya ngayon. mas mapapakita mo kaya kung may natutunan ka or wala pag ganun.. bait ni mam =)
nakakatawa kahapon xc halos hindi ko na napansin ang paglipas ng buong araw!.. as in 7am-8:30am exam sa 112, tapos diretso 104 (8:30am to 2:30pm) kung san may quiz at pagkatapos diretso na sa kitchen para magluto. na-assign sa grp namin sauces, we were required to make 5. ayun, succesful naman ata.. kahit medyo mdaming mali nung una, 'perfect!' pa rin naman dw sabi ni mam =) hehehe.. anyway, after 104 tuloy na ang paggawa sa PFR.. sobrang nakakangarag siya na halos buong class hindi umalis sa niml (lab namin) para gumawa ng PFR (except sila lee na nagpunta sa IC). nandun lang kami hanggang past 4pm.. and at the very last minute pinass ng grp namin yung PFR (4:58pm!). ang dami pang nakakabaliw na moments before the actual submission pero okay naman.. everything worked out in the end. =)
so ngayon ang pinoproblema ko ay yung batch eat out sa SHARP.. plano kasi namin na sa friday na siya ganapin, kung hindi xc matuloy late na talaga siya masyado.. so before friday we have to look for a place big enough for the org and our applicants at syempre yung affordable naman yung food. kaya maghahanap kami ni aisa sa tuesday or weds..
magsa-start na rin pala kaming mag-duty ni dona sa tearoom this week! hehe.. required kasi kami ng 25hrs sa tearoom this sem.. naisip namin magsimula na agad habang malayo-layo pa ang function namin (sept29!), tapos nalaman namin nung thursday na pwede na mag-sched for august kaya naglagay na kami.. on tues: sandwich station ako ng hapon, weds: dining room (yikes!) lunch time and fri: stewarding.. buti na lang weds kmi sa DR at least mas onti tao hehe..