Wednesday, September 27, 2006

Pabilisan 2006

medyo nakaka-guilty kasi i know i didn't do enough for it. parang feeling ko i didn't give my fair share to sharp. i did stay until it was finished pero,, ewan. sana nakapag-invite pa ko ng mga other friends, nakapag-pakalat ng fliers, nakatulong sa pag-ayos ng place, nkapag-invite ng mas mabuti sa apps.. bsta yun. sobrang function mode na kasi eh.. not that it's an excuse pero yun.

masaya naman ang pabilisan, ang daming food ang natake-home hehe. sawang-sawa na pala ako ngayon sa spaghetti. bukas na lang ule yung iba! nakakatuwa din ang mga apps na sobrang laki ng tinulong.. grabe. pati sa mga ibang sharpers na talagang nandun din kahit late na nag-start. medyo nabo-bother lang ako sa mga taong na-disappoint namin, specifically mam parker! ang bait-bait na nga nya to let us work at the niml pero medyo hindi kami nakatupad sa usapan. sad.

nagulat ako at dumating nga ang mga UP players kanina, ang bait nga nila at nag-PABILISAN din sila kahit busog na busog na sila. nanalo ata c David,, siya kasi pinaka-career eh! benta. ang dami pang medyo kahihiyan moments nung nandun sila, pero ayoko nga ikwento! haha.

rest day ng function group namin bukas. :) pero hindi rin siya totally rest day kasi may long exam kami sa 109 (purchasing) sa thursday, so rest na nag-aaral?


ang dami-daming emosyon..
ang dami kasing nangyari..
hay,, at ang dami pang mangyayari.
kakayanin ba?