Wednesday, January 10, 2007

Pagod pero masaya.. =)

Ngayon yung Amazing Race ng SHARP and as usual, nakakapgod talaga siya. For the 2nd sem in a row, 2nd place na naman team ko! Yey. Sayang, onti na lang kaya na sanang manalo. Ma-diskarte kasi yung mga nanalo, may jeep silang narentahan kasi kakilala nung isa yung driver... At dahil nga public vehicles lang ang allowed, legal na gamitin yung jeep. Magaling lang talaga silang maghanda.. hehe. Pero, ewan ko, ang daming funny moments. Maraming kaming na-discover lalo na sa mga applicants. Sinong mag-aakala na si Erin, isang napakalaking tao at sobrang tahimik, mahilig palang manood ng mga kapuso shows? Siya ang nagpanalo sa team namin dun sa isang challenge! Haha. BEnta kasi yung mga tanong dun ang mga tipong sagot sina Chubi Del Rosario and about films ni Maricel Soriano etc.. Bsta, old local shows and films na hindi na namin maalala lahat. :D Tapos nakita din namin ang mga 'career' na mems like my teamate (again), Jamie Joie. Go QueSci people! hehe.. Sila lagi gumagawa ng challenges namin (plus Toffer) kasi sila mabibilis tumakbo at dahil dun may mga special awards sila. Anyway, ang hina talaga ng stamina ko.. tsk, tsk.. wala lang pala yung gym ko kasi pagod din agad!. Or kailangan mas madalas pa talaga? As if may time kasi.. Haha. Congrats to the Internals Committee for a succesful event! :)

Medyo nawiwindang pa ko sa mga kailangan gawin: Catering report (interviews), Menu for our formal dinner, HE paper (yey, patapos na! onti na lang talaga), Catering lec exam on Monday, Tea Room duty, HR responsibilities, Choco Buffet, Fair preparations etc.. Kaya i'm taking it one day at a time para hindi ma-stress.. Dahil ayun nga kay Tina: Stressed is nothing more but Desserts spelled backwards.. So in short," stressed" is just a piece of cake. :)