Friday, April 20, 2007

"ikaw lang ang hinahanaap koooo... ikaw lang! .... ikaw lang!.. wala nang iba..."


Yep we love the Bloomfields! :D

Naging fan na kami ni Jozy kahapon nung hinila kami nila Steph and Joyce (with Adette) sa Eastwood para mapanood silang live. Nung una parang kami ni Jozelle, sinu yun?! Never pa namin narinig songs nila or anything about them.. Eh pero dahil we're good friends, sumama kami (at ang tagal na rin ng last bonding session namin). We were not disappointed! :) Nakakatuwa music nila at ibang-iba sila sa current bands ngayon.. Astig talaga. Sobrang nakakabilib pa skills nila sa pagtugtog ng instruments.. We had such a great time talaga.

Before going there, nag-stay muna kami kina Joyce kasi 3pm tapos na kami mag-enroll eh 8pm pa start nila. So ayun, nanood muna kami ng Sin City kina Joyce at kumain ng kumain! Kaya tuloy pagdating sa Eastwood super busog! Pero dahil we need a table to actually watch the show comfortably, kumain na lang din kami. Tapos supposedly hanggang mga 9:30pm lang kami xc nga may class pa the next day, but mga 10:30pm na kami nakaalis. Gusto ko kasi talaga mapakinggan muna yung tagalog song nila eh.. So ayun, after, umuwi na rin kami. At medyo napagalitan ako kasi bglaan daw kung magplano.. hehe medyo nga. ^_^

PS Katamad magbasa ng readings sa PI!! Hay.. 8/25 chapters pa lang ako.. Buti na lang nalipat sa April27 1st exam namin dun.. Super great move sir. Ehehehe.. In fairness I am enjoying PI 100, benta mga anecdotes ni sir about Rizal.. Sana magkwento na lang sya ng magkwento.. :D