Nagpunta kami ni Dona kanina sa Ateneo to give out more surveys for the feasib class. In a little over 3 hours, natapos yung assigned 30 surveys namin! Thanks talaga kay Vany (Dona's friend) at hindi kami na-lost sa loob ng campus. Meron muna kaming mini-tour ng ilang buildings dun and sa cafeteria na rin, tapos iniwan na niya kami kasi may class pa siya. Hayun, lumapit kami sa kung sinu-sinong tao para magpasagot ng survey.. kakahiya talaga.. Mas magaling si Dona kasi ako, hindi ko kinakaya minsan. Ehehe.. Mas okay pag onti lang silang magkakasama, kesa around 4-6 na sila at maiingay kasi alam mong they're right in the middle of chisms and stuff.. mahirap mangistorbo. Kaya nung natapos namin yung 30 respondents, hayy.. saya! Pwede na kaming umuwi sa aming home sweet home na CHE tambayan.. =)
Nag-lunch na din kami dun sa cafeteria nila and it was an experience in itself. As HRIM students (hahaha..) it's our duty to be observant and pay close attention to little details in all kinds of food establishments. And the Ateneo cafeteria is no exception. Kahit tapos na kami kumain, paikot-ikot lang kami ni Dona dun at nagtititingin ng food. Astig kasi ang dami din talagang choices. PAti different kinds of streetfoods akalain mong meron? May kwek-kwek (pero quail eggs lang tawag nila hehe), fish balls, cheesesticks, karyoke (?spelling, nde ko sure kung anung tawag nila dun e), fried lumpiang gulay etc.. Nakakatuwa, yun nga lang mas mahal talaga "streetfoods" dun, as expected. Meron ding well-known brands like kfc, waffle time and our favorite, Cerealicious. Aside pa from the usual kinds of stalls na meron din tayo sa casaa.. Great hindi ba? Ehehe.. naaliw din kami.. ^_^
*Will post pics next time.. Yup, may pic pa kami sa cafeteria.. hahaha.. =))