Sunday, December 09, 2007

after 10 years...

My last post was last October 26 or 27? Hahaha. Haven't been posting much cause been busy with the start of practicum (crowne plaza galleria manila, come visit me there hehe) and adjusting to a whole new routine. Since Nov.12 ganito na buhay ko:

  • 5:30 am - wake up.. or at least try to..
  • 5:45 am - eat breakfast
  • 6:00 am - check ng email and stuff sa internet (super sinisingit ko lang toh xc there's really no other time)
  • 6:15 am - take a bath
  • 6:45 am - dapat umaalis na ng bahay
  • 7:15 am - ideal time to ride the fx at philcoa
  • 8:00 am - supposedly nasa hr dept na
  • 8:30 am - punta na sa assigned dept
  • 12 nn - 1pm - lunch break
  • 7:00 pm - tapos na sa work
  • 7:30 pm - dapat pauwi na
Ideal schedule yan, but most of the time hindi rin nasusunod. Usually mga past 7am na rin ako nakakaalis dito sa bahay, kaya saktong 8:30am na ko nakakarating. Tapos pag maulan, 5-10mins late. hehe. Yung lunch break nae-extend kasi usually wala pang tao sa assigned dept ko kya tambay muna sa training room or stay sa assigned dept to answer phonecalls. Pag pauwi naman usually ang dami pang kwento with fellow trainees sa training room (usually about horror stories hehe and i'm not talking about ghosts here) kaya napapatagal ang paguwi.

Changes sa routine ko:
  • Maagang pag-alis ng bahay. Sanay ako na 15mins before the start of my class lang ako umaalis ng bahay. Ngaun i have to take into account adjustments sa oras, traffic sa edsa, pglalakad from here to the tricycle station sa knl etc. I also pay attention now to the traffic reports we hear every morning at radio stations and tv shows. Eh dati wala talaga akong paki dun..
  • Kelangan ko na ng payong ngaun. Haha. Dati nabubuhay ako na walang payong at pumapasok sa UP. Ngaun, hindi talaga pwede. Sa paglakad pa lang papuntang knl at sa overpass sa philcoa, hindi ka na mabubuhay ng walang payong pag umuulan. PAg sa school kasi dati, hiram kung kanino okay na or minsan mas pipiliing wag na lang muna umuwi para magpatila ng ulan..
  • Paglalakad ng mas madalas at mas malalayo.
  • Hindi na naabutan ang shuttle sa paguwi.
  • 9-10pm na nakakauwi.
  • Uuwi para matulog lang.
  • Hindi paghawak sa computer (dito sa bahay) at pag-internet the whole day.
  • Wearing the same kinds/colors/types of clothes every day: white collared top, black slacks, black closed-shoes with heels and blazer.
  • Naka-ponytail the whole day.
  • Naka-make-up. (Kahapon tinray kong wala, ang saya, pero tingin ko mukha akong bata! haha)
  • Pagsakay ng mrt araw-araw. (may mrt card na ko.. hehe)
Ayun muna naisip ko for now.. Kaya nung first few days ko, i was not that happy talaga. Sobrang pagod at ang bigat ng feeling. Ang dami kasing adjustment na kailangan gawin.. nde lang sa routine pati sa mga pakikisamahang tao, mga gagawin etc.. Pero ngaun, i'm happy to say na i'm doing really well. Nae-enjoy ko na siya at mas excited na ko pumasok. I'm also making new friends and enjoying my time with them. Ang cheesy pero totoo..

I still miss CHE, the tambayan, everyday school life, UP life as a whole, friends, sleep etc pero it's really getting better. Sana lang i can spend more time with hs friends (bloomfields??), sharpers etc... ^_^

Magpapasko na naman!! Ma-feel ko kaya sya?? hehe. We'll be working until dec22 daw.. tapos balik work sa 26. Kmusta naman yun? I miss everyone.. hayy =)