anu? ang hotel weekend ay ginagawa bawat semester ng HRIM 100 (introduction to hotel, restaurant and institution management) class. ito ay ang pagtigil ng klase sa isang piling hotel ng isang weekend, kung saan masasaksihan ang iba't ibang career talk at tours na maari naming gamitin sa aming hinaharap sa hospitality industry.
sino? kasama ang dalawang klase ng HRIM 100, kya buong block namin plus shiftees at iba pang mga kaklase..
saan? ngayong taong ito, ang napiling lugar ay sa oakwood.
magkano? medyo mahal tlga, for 22 hours na pagtigil sa oakwood nagbayad kami ng 2000 pesos each.
eto ang mga nangyari..
February 19, 2005 *saturday*
11.30am wahh! nde pa ako nakakapag-pack! magme-meet pa naman kami ng 1pm sa vinzons. wla pa akong mga baon, kailangan ko pa atang mag-plantsa at maghalungkat ng bathing suit. ayun kasi sa mahal naming guro, maari naming gamitin ang iba't ibang facilities nila doon.. pool, gym, private kitchen etc.. nakaka-excite! pero nakakagulo din ng utak.
11.35am nagsimula akong mag-pack ng gamit.
12nn naligo na ako at nagbihis. nde na ako nakakain ng lunch kasi late na ako at wala pa akong ibang kasama sa bahay, nakakatamad pang magluto, kaya alis na ako ng quarter.
1.04pm as usual aq nanaman pinka-maaga. sinasabi nila ang lapit dw ksi ng bahay q! oo nga nman, pero kahit na mas maganda kung on time. hehe.
1.06pm dumating na si nancy. okay 4 pa ang hinihintay!
1.15pm halos sabay dumating si donabel at kite.. yan dalawa na lang aalis na kami. medyo nagmamadali kami kasi check-in daw ay 2pm, bka ma-late kami! ayaw nga naming mabawasan pa yung 22 hours naming stay. hehe.
1.40pm nalaman lng namin na nde na pala sasabay yung dalawa pa nming hinihintay. okay so alis na kami agad. naisip q, buti na lang nauna na si jozy, para kahit ma-late may tao na sa room.
2.15pm nasa mrt na, medyo mahaba pa biyahe pero mabilis naman.. c dona sobrang excited, kulang na lang tlgang tumalon sa bintana..hehe joke! ang bigat ng dala namin.. may dala pa kasi kaming tubig! para daw mas mura..
2.35pm nakarating na rin kami! c jozy kanina pa nagmi-miss call.. nakarating na yun.. anu kayang ginagawa nya? pero nde na aq nag-worry para sa kanya, kasi sobrang experienced naman na siya sa hotels eh.. alam kong okay siya.. kami nga mas nalilito eh! sa lobby nagcheck-in na kami, wow aliw aq sa metal key card nmin ah. tag-iisa pa kami.. hehe..pagpasensyahan na, first time eh. :)
2.45pm excited na kaming umakyat sa rooms namin.. yess! katabi namin ng room sina sherry..! 19th floor kami, sana maganda view.. room 1906.. nung una, natanga kami sa pagbukas ng pinto.. pero na-gets na rin namin! hehe. pagpasok, kita q c jozy, natutulog! sawa na agad sa room.. yung room?! exagge.. ang ganda tlga.. 2 rooms.. 1 king size bed, 1 queen size bed.. 1 regular bed.. 2 bathrooms.. one bath tub.. 2 tv with cable.. 2 phone lines.. 1 dvd.. 1 cd player.. kitchen.. dining area.. living rm.. may washer-dryer.. microwave.. utensils and all that. grabeh sigaw kami! hehe. mga excited nga.. :) aliw aq sa bed, kasi ung sa king size kasya na kaming apat (ako, jozy, donabel at aisa).
3pm bumaba kami kasi may career talk sa isa sa function rooms nila. dito marami kaming natutunan. ang oakwood ay nde pla hotel, apartelle (?) daw siya. kya pla sobrang complete yung facilities.. ang nagbibigay ng talk? si ate tin-tin leones, isa sa heads sa sales dept, aliw kasi taga-UPIS siya! wow, proud kami ni jozy.. :)
6.30pm natapos yung talk. balik kami agad sa yunit namin, c jozy at kite excited manood ng basketball sa tv. kaming iba nagpa-plan para sa dinner.. nag-decide na lang na bumili ng pizza sa baba.. aliw ulit kasi sa baba ng oakwood ay glorietta. dito kami bumili sa pizza hut at iba pang snacks.. may plano kaming i-surprise c jozy ng cake para sa bday nya kaya buti na lang nanonood sila ng basketball! :)
8pm kumain kami. grabeh nalipasan na ata kami ng gutom.. kasi most of us, nde pa din naglu-lunch.. pero enjoy pa rin sa pagkain.. nde muna namin binigay yung cake.. sa gabi na daw. :)
8.45pm nag-swimming kami sa pool nila.. wow lamig! exagge. buti na lang may jacuzzi! first time ulit. hehe.
10pm na kami umahon..closing na daw kasi ng pool.. sinulit namin ung time siyempre! c jozy at kite nag-stay sa taas nde nag-swimming kasi kailangan dw nilang mag-aral para sa exam sa monday..
11.30pm binigay na ang surprise na cake dapat kay jozy.. na-surprise din aq. kasama pala ako sa binibigyan ng cake.. so bale, sine-celebrate namin nung gabi un ang bday q, ni jozy at ni aisa. :) kumain kami ng cake, chips at pina-tikim ni sheila ng vodka ice.. masarap cia kasi wla halos alcohol content,,,lasang blueberry ung isa, ung isa sprite, ung isa melon..
February 20, 2005 *sunday*
1.30amdumating iba naming blockmates sa yunit nina sherry at nanonood kaming lahat ng meet the fockers. :)
3.30am uwian na. tpos na kasi ung movie kaya balikan na ulit sa rooms at tulugan na. c jozy nga nauna na kanina pa eh! nde na nanood ng movie,, daya! hehe.
4am antok na antok na aq! c donabel nde pa, nde nya kami pinapatulog ni aisa. kulit-kulit. hehe. pero, wla sobrang antok na kami! tulog na tlga.
7am ginising kami ni donabel. naku, para tlgang walang pahinga yan. excited! hehe. gising na daw kami para maaga sa buffet breakfast (8am to 10am)..
7.30am bumaba na kami, nakita namin ung iba nasa pool area.. nag-stay sandali pero pumasok din agad para kumain.. 8 to 10 tlga kami kakain noh! hehe. :)
8am may private room para sa UP students,,kuha lng daw kme ng food sa oakroom tpos sa dining area kakain.. grabeh pagpnta namin sa oakroom, dami masasarap! hmm. naka-ilang balik nga ulit kami? apat! haha. sarap. may pasta, pwde paluto ng egg (kahit anong klase), iba't ibang bread, ham, cheese, fruits, juice etc.. may pang-kanin pa.. grabeh, sumuko na nga ako nung huli sa sobrang busog. kami yung unang-unang dumating sa private eating area ng 8am, umalis kami ng 9.30am.. exagge na kainan yan! nakakuha pa kami ng yogurts at jam.. take home. hehe. :)
9.35am nasa yunit na kami, ligo, ayos ng gamit kasi check-out time ay 12.30 pm. may isa pang 'talk' ng 11am to 12nn. bath tub kami, kasi para magamit naman lahat. :)
11.45am masyado ata na-enjoy ung bath tub! ang tagal namin. ..nde na kami tumuloy sa 'talk' kasi 15 mins na lang! kakahiya pang pumasok. nag-stay na lang kami at nag-experiment ng kung anu-anong bagay sa yunit. may mga nakakatawang pangyayari habang fini-figure out kung panu gamitin ung dryer..grabeh nakakatakot, kasi baka may masira kami..!
12nn onti na lang ang time! inayos na namin ang lahat bago umalis. nagpicture-picture, nag-last look, nag-take home ng mga toiletries, coffee and fruits, tumalon sa kama..etc..
12.30pm check-out. haay..mami-miss q ung room. hehe.
1-3.30pm nagpnta na lang muna ng glorietta at sm.. kain, liwalaliw, bumili ng pasalubong.. etc..
4.20pm nakauwi na q dito.
..wow sobrang pagod.. pero sobrang saya din. :) hinding-hindi tlga makakalimutan.. bitin nga lng! oh well. dbale, mga 3-4 years from now (or more) babawi kami. hehe.