sobrang enjoy ang hotel weekend.. pero after nun, natapos na rin ang maliligayang araw namin. kasi oras na para simulan at tapusin ang group report namin sa HRIM 100. tungkol ito sa tourism. basically, we have to choose a place na pwde naming i-promote. within that place, kailangan naming maghanap ng isang tourist destination or attraction (napunta sa group namin historical or educational) na kailangang i-develop. meaning, magre-recommend kami ng ways para mas dumami ang mga taong pumunta dun. pero hindi lang dapat basta-bastang recommendations, dpat mai-dedefend namin yun sa harap ni mam at ng buong class. actually, nung start pa lng nga class na-mention na ito ni mam, kaya lang sadyang mabubuti kaming bata nde namin ginagawa until the last minute..
infairness naman sa amin (kasama ko sa group: donabel, aisa, louie at omai), pinapag-usapan na talaga namin ito. nagpunta na nga kami sa bulacan (napili naming tourism destiantion) last feb 3..? nde q na naalala kung kailan, pero maaga. sa trip namin dun, sobrang enjoy! ang babait ng mga tao, as in super accomodating silang lahat. masaya yung adventure kasi walang ni isa sa aming familiar sa bulacan, so we got around just by asking the ppl there. pero we survived! hehe. after nung pagpnta nun wla nang nangyari! panu ang daming ibang kailangan asikasuhin.. haay.. kaya yung paper namin ginawa lang namin in less than two days..
nung tuesday (feb. 22) buti na lang walang classes nung hapon, may time tuloy kaming pumunta sa bahay nila louie sa mandaluyong. naghati-hati na lang kami ng mga research para i-paraphrase. medyo late na ako nakauwi nun kasi ang layo at matagal din yung ginawa naming paghahanap ng mga kailangang infos. mga 9pm nandito na aq sa bahay, pero super pagod na! ang sarap na nga lang matulog eh, kya lng kailangan finish na the next day yung assigned sa akin kasi mago-overnyt kami sa bahay nila louie.
wednesday (feb. 23) - nakarating kami sa bahay nila ng mga 10am na,,medyo na-late kasi yung iba and everything. pero okay naman na. the whole wednesday nasa harap lang kami ng computer or nasa harap nung mga research. natatakot kasi kaming mag-copy and paste na lang ng lahat eh, feeling namin matinik teacher namin pagdating sa ganyan eh! nung araw na yun, parang ang bilis-bilis ng oras! as in,, sobrang weird pa ng eating time namin. breakfast namin 10:30am na. lunch almost 3pm na. tapos yung dinner 11:00pm n! grabeh. nde na tlga namamalayan yung oras. sobrang aliw kaming lahat sa mama ni louie kasi ang bait nya. laging ang daming handa para sa amin.. nakakahiya na nga talaga eh! pero kasi daw naawa na siya sa amin.. hehe. buong araw gani2 sistema namin: type sa computer tapos ung ibang wala dun, kaharap naman yung ibang research na kailangang i-paraphrase or gawing essay.. haay pagod! ang sakit tlga sa ulo. pero masaya din kasi nakukuha pa nilang magkulitan at magtawanan.. kahit nagpapanic na.. hehe. :)
as in nakapag-pahinga na tlga aq nung 12.30am thursday. wow, in 8 hours dpat tapos na lahat at alam na alam na namin ung report. parang imposible.. pero dahil medyo tpos na ung sa part q, umidlip na aq. natira na lang c louie (gmagawa ng pwer pnt presentation) at c omai.
nagising na lang kaming tatlo nila dona at aisa ng mga 5am. grabeh wlang tulog sina louie. kakahiya.
mga 8am na kami naka-alis sa bahay nila,, on the way nagbabasa pa kami ng mga reports namin habang naka-suot ng business attire.. yup, serious daw dpat itong report naming ito.. lalo tuloy nakaka-kaba! ang init-init tpos naka-slacks kami with matching 3/4-sleeves polo top (tama ba?) and heels. ang init! grabeh sobrang summer na tlga!!! anyway, nakarating kami 8:40am na sa classroom (start nya 8:30am).. buti wala pa si mam. lahat ng tao naka-business attire.. yung ibang lalaki daw parang magpro-prom. hehe. yung iba daw mukhang waiter.. :) sama! nde,,
okay so fast forward sa report namin,, malas! nde pa nag-work yung CD ni louie kung saan nandun yung power pnt presentation! grabeh, nakakapanghina! kinailangan tuloy naming mag-report ng walang kahit ano.. pero buti naman nakayanan. cguro nag-work yung buong araw mo kaharap yung research kaya kahit papano marami ka ring na-absorb.
kya ngaun..puyat! ang bigat ng mata namin the whole day.. eh aq hanggang 5.30 pa nman class q.. gudlak dba?
lesson? stop cramming na nga! hehe.. as if kaya..!