Sunday, November 27, 2005

saturday date with jodi and masol

yey! hindi na ako loser kasi nanood na ako ng harry potter kanina.. lagi ko na kasi nakikita yung trailer eh, parang feeling ko kinakausap ako: "valerie, manood ka na! manood ka na!" ..haha OA! finally inaya ko na rin si jodi at masol manood (kasi yung iba nakanood na)..

nagkita kami ng 11am sa mcdo.. ako ang early bird! mga 11:15am na nga ako nakarating at feeling ko late na ako, pero wala pa pala sila! haha. nakakapanibago lang kasi sa mga blockmates ko, pag nagkikita kami, sakto talaga sila dumating at kung ma-late ako ng mga 5 mins., late na talaga ako.. pero si jodi dumating kanina mga 11:45 na! :) tsk, tsk.. joke!

anyway, nag-bus kami papuntang galle.. kaaliw kasi pag kasama ko lang si jodi ako nakakapag-bus ng ganun. pag sina steph kasama ko for sure mrt/lrt or taxi ang transpo namin.

nakarating kami ng around lunch time sa galle at dumiretso kami agad sa sinehan para ma-check yung sched ng movie.. we decided na manood ng 2:40 para may time pa kaming magtingin-tingin after kumain.. we bought our tickets then went to the food court to eat. ang hirap talaga mag-decide kung saan kakain! pero dahil hindi naman ako super gutom nag-pizzadilla(?) na lang ako sa greenwich at nag-try na rin nung blitz nila.. sarap!

after lunch, nagpunta kami sa hot loops para mag-dessert.. first time kong makatikim ng hot loops kaya hindi ko alam kung anung kakainin ko.. i asked the lady there kung anu ung best-seller nila and i found out na ung choco-caramel blah doughnut pala.. so yun yung kinuha ko, while jodi and masol each chose a different flavor para makatikim kami ng marami.. it was too sweet for my taste, pero okay naman. nagikot-ikot kami at nagtingin ng kung anu-anong kakikayan stuff hanggang sa 2:15 na pala! nagmadali na kami kasi gusto talaga namin makakita ng maraming trailers tska syempre para maganda yung seats.

nakakapagod din pala manood ng 2 1/2 hours na movie, kahit gaano kaganda.. minsan kasi nakakangawit na! pero aliw ako sa film.. tama nga sila, it's the best one so far..! ang cute talaga ni cedric! medyo disappointing yug cho chang, at in fairness parang gumwapo yung weasley twins! haha.

all in all, nakakapagod ung araw pero sobrang saya! next must-watch movie for me? in her shoes! tska memoirs of geisha (ito kailangan ko pa munang mabasa)! can't wait..!