something weird happened to me today.. muntik na naman akong mahimatay. i say na naman kasi nahimatay na ako dati nung grade 10.. alam ko during CAT yun eh and i think i was only out for a few minuts before i suddenly regain consciousness.. parehong-pareho talaga yung naramdaman ko nun at yung kanina.. una parang nahihirapan akong huminga. yung parang naghahabol ng hininga? tapos maya-maya parang lumiliwanag yung paningin ko.. hanggang sa finally sobrang liwanag na ng lahat. yun pala nahimatay na ako.. haha. kakatawa kasi sinasabi ko pa sa sarili ko kanina na: 'wag kang mahihimatay ngayon ah, hindi mo pa tapos obserbahan bacterias nyo..' haha. fs 105 (food science) laboratory kasi nun tapos i suddenly had a hard time breathing. siguro kasi ang init sa room tapos nandun pa ako sa tapat ng bunsen burner the whole time.. akala ko kung anu lang, yun pala ganun na nga. ang bait nga nung mga babae sa may fishball stand (sa may che) kasi tinulungan nila ako and inalagaan that time. ang weird talaga nung experience na yun.. sabi nga ni mom punta na kami infirmary asap para matignan kung anu ba talaga un. anyway, ang haba ng story ah! haha. sorry, kasi i just can't stop thinking about it.. basta update na lang ako if ever. :)