wuhhoooO!! super duper saya talaga.. a lot of things didn't happen according to plan pero dba nga its weird how things seems to fall into place na rin in the end? well parang ganun na nga yung nangyari sa Challenge day, Talents night Sem-ender ng UP SHARP or CTS.
unlike last sem, nung kami pa yung mga applicants, sa isang private rest house siya ginanap, ngayon sa resort sa Antipolo na. so mas mahirap kasi hindi talaga kami familiar sa place, tapos ulan pa ng ulan kahapon! kamusta naman at lahat kami nakakababad sa palakas-lakas na pag-ambon from 1pm hanggang 7pm??! at ang lalaki pa ng mga lamok dun! katakot nga eh.. sana naman hindi na kami tablan ng dengue or something, dba??!
and oh yeah, nagkalat nga pala kami sa 'surprise performance' namin ng BEEP for the graduating members.. haha! kakatawa. nagpractice pa naman kami hanggang gabi kina louie the day before tapos nagkaganoon.. pero okay lang, kasi mas natuwa sila! :P aside from that dance number meron ding kaming ginawang 'tribute' for them in the form of a short movie. simple lang siya pero astig kasi puro pictures nila yun sa apat na taon nila sa CHE.. aliw, kasi halatang nagustuhan nila. maiyak-iyak pa nung kumanta na kami ng 'remember me this way' (with matching candles pa for effect ah).. aww. talagang mami-miss namin ang mahal naming mga ate at kuya sa SHARP.
isang malaki pang balita (well sakin malaki yun! hehe): vice president for Human Resource na ko sa SHARP.! kagabi na kasi naganap yung elections for the coming school year, tapos yun nga na-elect kami nila dona (VP for internals), tina (VP for externals), louie (VP for publicity) and jozy (finance officer); tapos si ate Wean na ang president. masaya ako kahit na hindi ko naman pinlanong magka-posisyon agad sa org, alam ko kasing marami akong matutunan sa bagong responsibility kong ito eh ..haha gumaganon?? for now, it's scary! sana lang maging proud ang dating execom samin at kayanin naman ang lahat ng ginawa nila!
as usual, halos wala na namang tulugan kgabi.. so ngayon na lang ako babawi! :) muwah!