finally natuloy na rin yung blowout ni Rusan na EK trip for her birthday.. i say finally kasi ilang beses na rin siya na-reschedule because of certain conflicts, the choco buffet being one of them. :) pero last saturday nga natuloy na din siya. sayang lang at may 7 na hindi nakasama.. c jodi may orientation sa camp nila sa church, c francine may exam dapat nitong monday pero later on she found out na exempted pala siya (sayang tuloy), cla roan and mariel may family affair ata etc.. pero kahit may kulang marami pa rin naman kami, 16 in all including rusan's cousin Dan.
so yun nga finally na-try ko na rin yung space shuttle (last time i was there under renovation kasi yun eh), and OMG hindi na talaga ako sasakay dun ule! haha. yeah, na-discover kong malaki pala akong duwag pagdating sa mga rides na ganun.. big thanks to rhea na katabi ko at that time and witness sa halos pag-iyak ko nung nasa taas na kami nung space shuttle.. talaga kino-comfort nya ako and everything. siguro natakot ako kasi sobrang paranoid ako! feel ko matitilapon talaga ako sa seat ko and all that or biglang may malfunction yung ride habang nandun kami.. ewan ko ba! haha. i'm glad i tried it at least once in my life.. pero never again! :) super happy ako na naabutan namin yung fireworks display nung mga 10pm (actually hanggang 12mn pa kami).. ang ganda! aww.. love fireworks!
maraming, maraming salamat kay rusan sa pag-sponsor ng lahat-lahat during the trip.. from our transpo, to our tickets, tokens sa arcade and all our food for the day (lunch, drinks, snacks, dinner). grabe, thanks talaga rusan!! sana napasaya ka namin! hehe. muwah! :)
nasa laguna ako this coming friday (april7) to saturday (april8) for SHARP. kailangan na naming gumawa ng plans for the org's activities this coming school year. nag-meet kami kanina sa tambayan para i-discuss yung mga mangyayari sa sem-planning.. si louie nag-suggest nung place sa laguna eh, dun daw nagca-camping mga boy scouts (c louie boy scout?! lol) kaya mas mura yung lodging. yung SHARP kasi sagot sa place tapos kami-kami na yung sa transpo and food.. tapos yung food kami pa magluluto. pinag-planuhan na namin yung menu namin kanina, and puro ihaw siya! haha. kasi wala daw talagang stove dun.. so kamusta naman, pati mga gulay namin inihaw.. nahihirapan na nga kaming mag-isip ng mga veggies na bagay iihaw eh (parang talong lang lagi).. magadadala na lang kami ni dona ng marsmallow para i-toast together with some hotdogs.. exciting itoh! :)