Saturday, June 03, 2006

let's fill the world with color!

nakangiti ako ngayon kasi kakakita ko lang ng bagong testi ni steph. hehe. ang cute :) thanks steffie!

anyway, halos kakagaling ko lang sa school, kasi ginawa na nga namin yung bulletin board display ng sharp.. at naging super perky siya! haha. parang puro mga babae gumawa.. in fairness, concept naman ni tope (lalaki) yun, pero nung nilagyan na namin ng maraming flowers (ako pa, syempre tatadtarin ko ng flowers) naging perky na. bagay naman kasi parang meadow naman talaga background nun. ako in-charge sa 'food trip' section, so every week papalitan ko yun. ngayon, dahil mabilisan ko lang inisip, may simple recipe lang na nandun. next time parang gusto kong mag-feature ng mga kainan sa UP tapos nandun na yung specialty nung place etc para naman informative especially sa freshies and sophies. parang food review section! ^-^

ang bilis namin nag-work kanina, mga 12:30pm natapos na kami (start kami ng mga 9am). tapos kumain kaming lunch sa jollibee katips.. hanggang ngaun busog pa rin ako! ang dami kasi nung coffee jelly (dessert ko) eh, ayaw pa kong tulungan nila dona. nag-stay pa kami tambayan after lunch kasi nagpapahintay sila ate rach.. nung dumating sila (mga 4:20pm) paalis na rin kami xc uulan na at wala kaming mga payong (mga pasaway at walang payong eh tag-ulan na).

yun lang nangyari for the day.. pero nakakapagod din. ang sarap magpahinga ng buong weekend kasi next week ngaragan na naman yan for sure (read: enrollement sa UP).

wait, bago ko tapusin toh.. naisip ko lang. hindi ka talaga madi-disappoint kung hindi umasa in the first place noh? kaya mali talagang umasa.. lalo na sa mga bagay na dati pang walang kasiguraduhan. hmm.