Monday, June 19, 2006

market trip, 1x1 pic, early classes and functions

nagpunta kaming marikina market kanina for our 109 market survey at medyo nagulat ako kasi mabilis lang pala. nagmasid lang kami, nagtingin-tingin ng mga presyo at nag-interview ng mga tindera tapos tapos na. nagpunta lang kami sandali sa jollibee after para magpalamig at magplano ng report.. weds ng tanghali kami pupuntang navotas market (for the 2nd part) at pagkatapos diretso kami kinila jp para sa written report.
[pero wait lang, nalaman ko lang ngayon kay jozy na 4 markets pala dapat! naku, panu yan? hay...]

dumaan na rin kami ni dona and jp sa shopping before umuwi para gawing 1x1 yung 2x2 pic namin.. pwede pala un? mas madalas kasing kailangan 1x1 eh.. in fairness, ang dami ko ng copy ngaun, isang page! so ilan un..mga 30? haha. hanggang sa paghahanap ng work yun na rin gagamitin ko! :D

naninibago nga pala ako ngayon kasi lagi na maaga start ng class ko.. 7am? eh hindi ako sanay..!! 8:30am nga dati nala-late ako eh.. hehe kaya ngayon talaga maaga na rin ako natutulog. kaya minsan hindi ko na rin napapanood 'my girl' :( buti na lang napanood ko na yun kina steph, pero okay pa rin yung tagalog version eh. sayang nga eh..

may groupings na pala kami for our function.. ako ay kabilang sa team asia. :) ka-group ko sina: dona, jp, aisa, sherry, tina and tope.. ibig sabihin, asian yung theme nung amin kaya bukas magme-meeting kami kung anung particular country gagawin namin or kung magfu-fusion kami. exciting itoh! :D

ngayon palang sinasabihan ko na kayo na pumunta sa mga functions namin (class namin)!!! hehe. ang aga pa eh noh?