Saturday, August 05, 2006

yeah! minsan, may sarili talaga akong mundo..

yung ang dami-dami mong iniisip all at the same time kaya mapapatunganga ka na lang sa isang corner hindi mo na namamalayan na mukha ka na palang ewan sa ibang tao.. yup, parang baliw.

anyway, kakatapos lang ng eat out ng UP SHARP kanina. sa BLU FINN katips na nga siya naganap at super stressful siya.. ewan ko ba. parang feeling ko kasi ang daming mali o ang daming pwede pang i-improve sa nangyari. maybe i'm just being hard on myself.. ewan ko. masyado lang siguro akong idealistic na nag-iisip na magiging perfect ang lahat. kaya kahit may onting mali, feeling ko big deal na. pero sa totoo lang i'm getting sick of this kind of attitude.. lalo lang akong nagpapahirap sa sarili ko eh.. i have to accept the fact that things don't really turn out as planned, or if ever, super dalang lang! lagi pa rin talagang may biglang susulpot na problema.. things like this really strengthen one's character.. next time mas magiging okay na ko promise! hehe... hindi na ko matataranta (masyado!) at mas mage-enjoy na rin..

i feel guilty pa kasi i knw may na-hurt akong friend kanina.. kahit hindi naman ako yung mismong nag-snap sa kanya kanina, feeling ko malaki pa rin ang contribution ko dun eh. basta.. mukha namang okay na kami ni said friend pero wala lang.. feeling ko hindi naman magsasalita yun eh, pero alam kong na-hurt.. tsk, tsk..