Tuesday, December 27, 2005

christmas 2005

..was definitely much happier than the past year! kasi, if ever nde nyo alam, last year yung na-hospital si kuya.. nagka-accident kasi nung one time nag-attend siya ng party just before christmas, kaya medyo malungkot yung family nun. this year as usual, simple ang celebration pero masaya pa rin. we had lasagna, steak, mashed potato and buttered veggies for noche buena and dinner ..puro carbO! haha. i guess mas natuwa ako kasi kami halos ni voltaire ang nagluto ng lahat.! natutuwa talaga kasi akong magluto eh.. tapos habang nagluluto kami ng lasagna (mga 10:30pm na un), natutulog naman sina mama! nagpapagising na lang ng 12mn. haha. actually mom was supposed to cook the lasagna kasi kami na ni volts yung nagluto nung iba, pero nung nagising siya ng mga 10pm, antok na antok pa rin daw siya.. haha. kakatawa kasi itsura nya nun eh! anyway, habang nagluluto kami si kuya nagbababad sa internet or sa tv, hindi talaga mahilig sa kusina yun eh.

tapos nung mismong midnight, halos hindi ko na ma-enjoy yung lasagna kasi antok na antok na ko! sila mom na lang mas kumain and all.. pero ang weird, nung matutulog na talaga ako (around 2am), hindi naman na ako makatulog! ewan ko ba.. madalas talaga mangyari yan sa akin lately eh.. parang antok ka during the day, pero when it's finally time to sleep, i'm wide awake! insomnia ba itoh?! yan tuloy sobrang laki na ng eye bags kO! haha. oh well.

the next day, like every christmas day, pumunta kami sa bahay ng mga lolo at lola namin.. sa morning sa mother's side kami, then sa hapon sa father's side naman. kain talaga ng kain! haha. pag-uwi, super busog!

saya talaga ng christmas! ..love ko lahat ng bumati..! hehe. :D muwah!

Tuesday, December 06, 2005

today

something weird happened to me today.. muntik na naman akong mahimatay. i say na naman kasi nahimatay na ako dati nung grade 10.. alam ko during CAT yun eh and i think i was only out for a few minuts before i suddenly regain consciousness.. parehong-pareho talaga yung naramdaman ko nun at yung kanina.. una parang nahihirapan akong huminga. yung parang naghahabol ng hininga? tapos maya-maya parang lumiliwanag yung paningin ko.. hanggang sa finally sobrang liwanag na ng lahat. yun pala nahimatay na ako.. haha. kakatawa kasi sinasabi ko pa sa sarili ko kanina na: 'wag kang mahihimatay ngayon ah, hindi mo pa tapos obserbahan bacterias nyo..' haha. fs 105 (food science) laboratory kasi nun tapos i suddenly had a hard time breathing. siguro kasi ang init sa room tapos nandun pa ako sa tapat ng bunsen burner the whole time.. akala ko kung anu lang, yun pala ganun na nga. ang bait nga nung mga babae sa may fishball stand (sa may che) kasi tinulungan nila ako and inalagaan that time. ang weird talaga nung experience na yun.. sabi nga ni mom punta na kami infirmary asap para matignan kung anu ba talaga un. anyway, ang haba ng story ah! haha. sorry, kasi i just can't stop thinking about it.. basta update na lang ako if ever. :)

Sunday, November 27, 2005

saturday date with jodi and masol

yey! hindi na ako loser kasi nanood na ako ng harry potter kanina.. lagi ko na kasi nakikita yung trailer eh, parang feeling ko kinakausap ako: "valerie, manood ka na! manood ka na!" ..haha OA! finally inaya ko na rin si jodi at masol manood (kasi yung iba nakanood na)..

nagkita kami ng 11am sa mcdo.. ako ang early bird! mga 11:15am na nga ako nakarating at feeling ko late na ako, pero wala pa pala sila! haha. nakakapanibago lang kasi sa mga blockmates ko, pag nagkikita kami, sakto talaga sila dumating at kung ma-late ako ng mga 5 mins., late na talaga ako.. pero si jodi dumating kanina mga 11:45 na! :) tsk, tsk.. joke!

anyway, nag-bus kami papuntang galle.. kaaliw kasi pag kasama ko lang si jodi ako nakakapag-bus ng ganun. pag sina steph kasama ko for sure mrt/lrt or taxi ang transpo namin.

nakarating kami ng around lunch time sa galle at dumiretso kami agad sa sinehan para ma-check yung sched ng movie.. we decided na manood ng 2:40 para may time pa kaming magtingin-tingin after kumain.. we bought our tickets then went to the food court to eat. ang hirap talaga mag-decide kung saan kakain! pero dahil hindi naman ako super gutom nag-pizzadilla(?) na lang ako sa greenwich at nag-try na rin nung blitz nila.. sarap!

after lunch, nagpunta kami sa hot loops para mag-dessert.. first time kong makatikim ng hot loops kaya hindi ko alam kung anung kakainin ko.. i asked the lady there kung anu ung best-seller nila and i found out na ung choco-caramel blah doughnut pala.. so yun yung kinuha ko, while jodi and masol each chose a different flavor para makatikim kami ng marami.. it was too sweet for my taste, pero okay naman. nagikot-ikot kami at nagtingin ng kung anu-anong kakikayan stuff hanggang sa 2:15 na pala! nagmadali na kami kasi gusto talaga namin makakita ng maraming trailers tska syempre para maganda yung seats.

nakakapagod din pala manood ng 2 1/2 hours na movie, kahit gaano kaganda.. minsan kasi nakakangawit na! pero aliw ako sa film.. tama nga sila, it's the best one so far..! ang cute talaga ni cedric! medyo disappointing yug cho chang, at in fairness parang gumwapo yung weasley twins! haha.

all in all, nakakapagod ung araw pero sobrang saya! next must-watch movie for me? in her shoes! tska memoirs of geisha (ito kailangan ko pa munang mabasa)! can't wait..!

Friday, November 25, 2005

nov. 24

parang nakakatamad talaga ngayong sem.. siguro dahil kaka-start pa lang kaya parang nakakatamad at wala pang ginagawa. pagdating sa bahay, nood ng tv hanggang mga 11pm or 12mn (yup, late na ko matulog ngayon.. weird nga eh)! minsan nagbabasa for bio1, pero sandali lang din naman yun. feeling ko extended sembreak pa rin tong mga araw na to.. haha. siguro pagtagal, i'll end up just eating my words. lalo na pag sabay-sabay na naman ang mga requirements, exams, papers and other projects.. siguro it's best that i just enjoy this 'freedom' i have right now and hope it'll last for a while. pero, asa pa! haha.

ang loser ko nga pala kasi hindi pa ako nakakanood ng hp goblet of fire hanggang ngayon! gaano na ba katagal since it opened, 2, 3 weeks ago? haha. ang loser ko! pero naman kasi! mga inaaya ko wala talagang interes sa ganung genre..or sadyang hindi lang daw talaga sila hapit to watch it.. nag-sched na nga rin si steph para panoorin namin, kaya lang may class naman ako nung time na yun! inis talaga.. si tope naman nag-promise na kung hindi daw sila natuloy nung friends nya sa sunday nood kami next week.. oh diba ang loser ko talaga kasi umaasa lang ako pag hindi sila natuloy?! haha. JODI! nood tayo! :)

speaking of jodi: waaaahhhhhh!! nasa isang poster ang magandang name ng mOmi ko!!
trophies by: Jodi Lego
..ang nakasulat dun sa poster! wooWW!

Tuesday, November 22, 2005

What emotional personality do you have?

HASH(0x8c074ac)
You have a nice personality. Everyone comes to you
when they need a hug. Everyone needs you to
help and share supplies. Everyone adores you.


What emotional personality do you have? **Stunning pics**
brought to you by Quizilla
elf
ELF

You are an elf. An elf is like a
human but much fairer and pure. Elves are
usually tall, with pointed ears, and resemble
humans very closely, but elves are usually much
more beautiful. Elves are a distant race. They
prefer to keep to themselves, because often,
many of them feel that their race is superior
to humans. Elves symbolize wisdom, prudence,
love, and hope. They are very merry and happy.
They are forever young and delight in music.
They are natural artists as well.

Which mythical creature resides in your soul? (11 Results + Pictures)
brought to you by Quizilla

Who is your celebrity twin?

HASH(0x8c747d0)
Your twin is Alicia Keys. Soulful and always
speaking the truth. You are kind to everyone
and you barely have any enemies. Isn't it good
to be you ?

QUiZ: Who is your twin celebrity y??{ w/ great pics !!} GiRlS OnLiI
brought to you by Quizilla

what?

What language is right for you?

Chinese - you are very sophisticated and are
brilliant at food making!

What Language is Your personality?
brought to you by Quizilla



What kind of guy likes you?

Pretty boy: he loves you alot and he knows what you
like and every thing...he will come to you.

What kind of guy likes you? (girls only)
brought to you by Quizilla

which hp character am i?

HASH(0x8cdbeb8)
Harry Potter - You are Strong. Friends and family
mean a lot to you. You will always put others
first. You don't mind a little hard work and
when you know what you want you go for it.


Which Harry Potter Character are you?
brought to you by Quizilla

Monday, November 21, 2005

what is my french name?

Floriae
Your French name is
~Gentille~
which means 'kind'.
You value things like friendship and loyalty. You
are caring and very nice to everyone, not only
those you care about. You have a small group of
friends that you love and are probably very
accepting.


What is your French name?
brought to you by Quizilla


nakakatawa yung pic ah! haha.. kinda looks like lorna tolentino!?

Thursday, November 10, 2005

enrollment

enrollment na! kaya this past few days wala akong inatupag kundi maghanap ng subjects.. sobrang frustrating talaga! tatlong araw na akong pabalik-balik sa school, pero hanggang ngaun wala pa ring nagbabago sa form 5 ko! haha. tatlong buong araw for nothing.. oh well, typical registration sa UP. pero mas gusto ko naman ung ganito kesa ma-stuck lang sa bahay all day noh.. at least may allowance! haha.

so 2m official pasukan na.. sana okay mga subjects ko! parang nami-miss ko na rin mga classes eh.. LOL :D

Thursday, November 03, 2005

latest addiction.

as i have said, i have basically NO life this sembreak. kaya naman sobrang naa-addict ako sa paghahanap ng magagandang blog skins sa, what do you know, blogskins.com! grabeh, nakaka-amaze talaga ung mga taong un. i'm enjoying myself just by looking at their designs..! kaya i think magiiba na naman ule itong layout ko in the near future.. haha.

Tuesday, October 25, 2005

sembreak.

weird.
i thought i was really looking forward to this break..
break from all my requirements, exams and others like it..
pero now that i have it, na-realize ko na i don't want it after all..
well at least not as much as i thought i did.
boring talaga sa bahay..
nakakasawa na ang tv, pati ang computer..
halos twice na nga ako mag-check ng mail at friendster sa isang araw eh!
haay.. bakit kasi sa saturday pa start ng pbl?!
by that time malapit nanaman ang pasukan!
pero, i'm still looking forward to it..
hehe.
c steph xc ang hirap ma-contact!
pag-online aq (like now), tska wala..
kung nde aq online, tska cia online!
haay.. love q na nga pala ang abc5 (wala na kasi kaming cable)..
dahil sa 5, buhay pa naman ang mga 10pm weekdays ko. :)


kay karina! oct23,2005.. one year na since u left. aww :(
sana nde one year pa ang hihintayin namin to see u again ah..

maling akala.

wow gabi na. kay bilis lumipas ng araw para sa taong tulad ko.. isang buM! buong araw kaharap ang tv o kung nde naman ang computer. malalaman ko na lang gabi nanaman pala. pero walang kinalaman ang pagka-boring ng buhay q sa title.. nde ko lang alam kung panu sisimulan ung entry. siguro magso-sorry na lang muna ako..


"sorry sa mali kong akala.
hope everything works out!
may god bless you and your family."


nde ko din alam kung panu tatapusin.. so sasabihin q na lang ule, nakakabaliw ang sembreak!! BORING! haha. :D

ps. ung taong kausap nung quotation dyan ay taong nde ko pa nakikilala pero masyado ko siyang mabilis hinusgahan. so yeah.. (pa-drama effect na toh! haha.)

Friday, October 21, 2005

new layout!

yey!!!
finally, napalitan ko na rin layout ng blog ko.
haha. syempre sobrang saya ko. :)

fyi. hindi ako gumawa ng layout na toh.. wish ko lang marunong ako! haha. kahit turuan ako ni jodz, nalilito pa rin ako eh.. so sbe ni jodz, try ko na lang daw kumuha sa blogskins.com ng ready-made. :) and i did.. it's highly recommended! sobrang dami nilang selections! nakakalito na nga mamili eh.. pero picking a design that suits you is the fun part. :)

anyway, saya! haha. nxt kong aasikasuhin ung tag board dito.. :)

super thanks jodi!! muwah.

Monday, October 10, 2005

final interview

final interview ko sa SHARP last tuesday (oct4) at sobrang kakaiba ung experience! tha day before, kinakabahan talaga aq ..as in!! kailangan xc ime-memorize ung SHARP constitution, plus all the members and the other things na nasa sigsheet.. whew, dami! hanggang article 11 xc ung consti (tpos under nun may mga 2-7sections!) tapos ang haba pa ng mga sentences.. sobrang nakaka-freak out nung gabi! alam xc namin na strict talaga sila sa interview at papahiyain ka talaga pag nde ka prepared. well as much as i want to be prepared, ang hirap talaga. so nung tuesday am, nag-pray na lang ako! :)
after nung interview, okay naman. as in super duper HAPPY! tska dun q na-realize na nde talaga nangyayari ung worst na iniisip mong mangyayari. the interview was fine, kahit i know sobrang nagkalat aq.. haha! oh well, lahat naman dw kme pilipit na ung english sa kaba eh..! dami ring kahihiyan sa interview na yan ah! kanta aq ng kanta ng 'love moves in mysterious ways' na sobrang maliit ung boses habang nagda-duckpin bowling. san ka pa? lol. tpos in a few seconds kailangan mong gumawa ng original commercial to sell yourself.. daming challenges sa interview..! nakakatawa na lang pag inaalala ko ngaun.. haha.
sana sharper na kami nila: jozy, aisa, dona, ks, tina, nika, louie, tope, mike, jec, ate jane etc next sem! :) please.. hehe. muwah!

Sunday, October 09, 2005

busy, busy, busy

what a busy week...!
6 days straight na ako bumabalik sa school ah..
to think sembreak na dapat..
(well except sa exams and other requirements)
mon: exam sa fn
tues: final interview q sa sharp!!
(gawa nga ako ng seperate entry for this)
tpos written exam sa PE ..yeah, PE na nga lang may exam pa!
pero okay lng xc sobrang mabait c mam about it. :)
..tska, nde q nakalimutan pumunta,, nde tulad ni STEPH! hehe.
weds: nag-pass ng socio10 paper
at nagtingin-tingin ng grades sa ibang subjects
thurs: supposedly gagawin ung batch project sa sharp,
pero nde rin natuloy! so nag-usap na lang kami
ni dona about our paper for hum1 at nag-research ng kung anu-ano for it
fri: nag-pass ng paper for hum1 at nag-crs
ay, sinamahan pa pala namin c aisa bumili ng gift..
sat (today): meeting ng mga applicants para sa CTS namin nxt week
CTS: challenge and talents showcase (?) for sharp
..tpos member na kme?! sana!
oh yeah, natikman q na ung 'wok this way' sa katips..
sarap! tpos malaki pa ung serving nila.. sulit! :)
(it's near mcdo nga pala.. try nyo rin!)
haay.. busy talaga! next week pa..
mon: ipa-pass ung take home final exam namin sa accounting
tpos practice for our CTS
tues: practice for CTS
weds and thurs: CTS ..yikes!
fri: my sembreak officially begins ..yey!

Sunday, October 02, 2005

lyrics

Deep and Meaningless - Rooster
I don't know why I miss you so much
Yeah I, I don't know why I still feel your touch
You, you left me feeling high and dry
With nothing, nothing but the question why
Yeah you, I guess you had another direction
And leaving me with nothing but a dead connection
Chorus: Ifyou call me today
I'll say that I'm fine
But I bet you can tell by the tone of my voice
It's just a lie
You knew what you had
You still walked away leaving me in this mess
My love for you is deep and meaningless
You, you knew what you were doing to me
And I, I guess I was too blind to see
Well you hit where it hurt and you fooled me so bad
But I'd do it again to relive what we had
(Damn that's sad)

There are many things left to remind me
Of a love that I just can't leave behind me
Chorus: If you call me today
I'll say that I'm fine
But I bet you can tell by the tone of my voice
It's just a lie
You knew what you had
You still walked away leaving me in this mess
My love for you is deep and meaningless

Saturday, September 10, 2005

happy!

i had such a great day yesterday!
-->natapos na finally ung dreaded speech ko sa comm3!! yey!! alam mo yung feeling na super duper happy kasi finally tpos na ung event na sobrang nakakapagpa-stress sa'yo? exactly what i feel after every exam, presentation, individual reports etc.. sobrang saya kasi tpos na! haha.

my speech was about cello's. sobrang na-addict na kasi ako dun after ko matikman eh. i even go there alone sometimes.. haha. i think my classmates were interested naman sa topic ko kaya siguro nadala na rin ako sa excitement nila. i got a 1.25! yey!
special thanks to jodi (for praying for me hehe) and masol (for the doughnuts!)..!! :)
-->batch eat out kagabi sa SHARP. nagsama-sama ang mga members at applicants sa bahay ni ate Jac kagabi sa tandang sora for a bonding session. super sarap ng food and the company was great! they were all so nice and were really reaching out to us... nahihya kasi kami eh, pero they wanted to make us feel welcome.. :) medyo maaga kami umuwi kasi may class pa sila jozy today and malalayo pa uuwian nung iba.. but nontheless, masaya pa rin kahit sandali lang (hanggang 9pm kme).. can't wait to be a sharper! :D
ps. kahit mababait sila, natatakot pa rin ako sa final interview (end of sept or early oct).. hehe. oh well. update ko na lang kung anung mangyayari..

Tuesday, September 06, 2005

sharp applicant

UP SHARP - UP society for hotel and restaurant progress
hirap pala talagang mag-apply sa org..
as in effort talaga..
20 hours tambay.. (actually, ito mas madali xc dami q ng
class sa CHE this sem)
pagandahin ang sig sheet
magpa-sign sa sig sheet
..plus all the other activities, including..
buddy date
buddy favor
batch eat out
group serenade
executive attire day
interviews (scary!)
talent's night
..etc..
haay..pero i really want to be amember of sharp
as in! mababait xc ung mga members eh..
tpos sobrang astig ung mga ginagawa nilang activities for the org.
(ex. pabilisan challenge - eating contest)
well, goodluck na lang sa amin. sana
maka-survive kme 'till the end..
hehe.

Wednesday, August 31, 2005

cute song

JUST A SMILE
barbie almalbis

I wanna tell you everything, vis-a-vis
won't you come up closer
I want to, hear you breathe

I'm walking down the street
I'm lost at sea
but out of the crowd you smile
and you're all I see

you make me feel like Ican get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile
just a smile

I wanna meet you someday soon
'cause I know you in my mind
everything will be different
when I have you right beside

you can take the whole wide world
with your boyish charm
but even as you pull me close
I won't just stay in your arms

you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile

Well it's for you and everyone
I thought I've searched the world in vain
now look at me
and the search is done
we will never be the same
not the same.

you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile

oh you make me feel like I
can get lost inside your eyes
I feel closer to the sky
When you save the day
with just a smile

just a smile, a smile
just a smile
..wala lang. i've been hearing this song a lot sa radio eh, tpos parang na-stuck lang siya sa utak q.. so i decided to look it up, cute pala ng lyrics :)

Tuesday, August 02, 2005

laguna trip

wow! naka-attend ako ng debut ni sheila (sya ung former blockmate nmin) sa laguna. :) sobrang last minute na lang ako pinayagan, as in nung umaga na lang nung mismong araw. oh dba? hehe.

na-realize q lang, sobrang lapit lang pala ng laguna (well, at least ung binan)? as in wala pang one hour from makati.. as in nde man lang kme nakatulog sa bus on the way. parang kakaupo mo lang, tpos maya-maya..nyeK! nand2 n tayo?! so much for a 'road trip'! sbe nga ni aisa, (another blockmate) na taga-Cainta, mas mahaba pa daw biyahe nya pauwi! :D

anyway, first time qng sumakay ng bus na ganun.. as in ung with friends lang at walang adults. nakakatuwa pala. wala lang. parang i'm so mature na..joke!
dun q lang rin na-try mag-shot ng tequila.. pero once lang talaga.. kakatuwa pala kasi after mag-shot, sisipsip ng lemon.. chaser dw. :) okay lang ung lasa nya,
sobrang init pala sa lalamunan? oh well, at least once man lang na-try na. hehe.


at in fairness, dun q lang rin na-try na wala talagang tulugan. kasi sa dating mga sleepovers meron pa rin kahit papanu eh.. pero dun, as in iglip lang for one hour ung nagawa q.. nde talaga aq inantok! after one hour of sleep, gising na ulit para mag-swimming (sa resort xc).. tpos uwian tym na (mga 7am), sa bus five minutes lang din ata tulog q xc sobrang lapit lang. kya pag-uwi q dito (sunday), bagsak aq sa kama! haha. pero at least, nakapagsimaba pa rin aq nung hapon :)

sayang, nde nakasama c jozy :( mas masaya sana ..aww

thanks nga pala kay steph!! ..kung nde dahil sa'yo (sa 'pag sponsor ng venue at dinner hehe), nde cguro namin natapos ung gift! :) mwah!

Saturday, July 23, 2005

july 23, 2005

sad.

>>talo UP against UE kanina. exagge din pala pag talo na. haha. as if hindi p sanay sa pagkatalo?! oh well. more games to come.. go maroons!


>>debut nung former blockmate namin sa saturday (july30). saya sana, kaya lang sa laguna ung celebration. saya sana, kaya lang hindi ako sure na papayagan. nakakahiyang hindi pumunta kasi part ako ng program, tapos expected na niya na complete kaming pupunta. haay.. stress tlga.. just hoping for the best.


at pnka-sad sa lahat..
>>isang missed oppurtunity :(
..haha don't mind me! kalimutang may sinabi..

Friday, May 06, 2005

summer so far

masaya na may summer classes xc nde aq stuck sa bahay buong araw kya nde aq ganu tumataba. pero nde cia masaya xc tlgang kailangan mong lumabas kahit 37 degrees na ung init! isa pa, sobrang bilis n ng mga lessons sa summer compared sa regular sem (malamang xc one month lng cia). tpos ang sakit sa pwet (hehe) xc halos 3 oras ka lng nakaupo sa desk mo habang nagno-notes. medyo nakakapanis cia ng laway :P haha!


*social dance*

bad trip aq dati dito eh. bakit? panu b naman aq ang lowest sa buong class nung 1st exam namin ng waltz! as in lowest tlga (2.5)! to add insult to injury (yess..), naka-post cia sa yahoo groups namin at nde student number ang nakalagay.. apelido! tpos kung mag-attendance pa c mam araw-araw, apelido ang sinisigaw nya sa buong class tpos ikaw sasagot ng malakas na: "present!" ..yup SIGAW! kaya, oo! kahiya!

pero ngaun medyo okay na cia xc una, binago na ni mam ang sistema nya ng pag-check ng attendance. hehe. tpos mas nage-enjoy na aq sa mga sayaw namin ngaun. kakatpos lng namin ng chacha this week tpos nasa tango na kme ngaun. infairness naka-1.5 aq sa chacha :D pero nde dn ganun kataas un kung ikukumpara sa iba. pero okay na q dun noh! :P hehe.

nga pala, karins! (kung binabasa mo toh): kaklase q si ue sa social dance. at as expected, magaling cia! :)

Tuesday, April 19, 2005

whattahday!

aargh! bakit pa kailangang mag-strike ng mga jeepney drivers?! especially yung ikot drivers! sobrang hirap kayang mag-asikaso ng mga bagay-bagay sa campus kung walang jeep! kapagod! :P

okay, so plano q sana today ay mag pre-enlist ng math100 kay sir abueg at ng social dance. infairness, succesful naman yung dalawang plano q. pero,,ahhH! pahirap tlga. ang dami q nanamang kahihiyan. hehe. :P

first yung sa social dance. nung nagsabi na kami sa teacher na prerog kami, sbe nya okay lng. napangiti tuloy kame! pero yun pla, okay lang basta mag-perform ka sa harap ng buong klase! gudlak dba?! as in nung narinig q yung condition nya, handa na aqng mag-back out! kakahiya! pero, wla eh.. medyo napasubo na rin kami kaya pumayag na kame. sumayaw aq ng swing (with dona) sa harap ng class habang kumakanta ng dancing queen.. :P fine! at least may PE na q. hehe

second kahihiyan for the day ay nangyari nung math100 class ni sir abueg. sobrang dameng nagpapa-prerog sa kanya. as in abot sa labas yung mga students! tpos 5-6 lang tatanggapin nya! so aq, super nawawalan na ng pag-asa. bglang humirit pa siya na uunahin nya ung mga graduating students! wahh! panu na q?! after nung mga graduating students, 2 slots na lang natira. sbe nya para fair bunutan na lang dw ng ID.. so binigay namin IDs namin sa kanya.. nakita q, super kapal ng mga ID! sobrang nawalan na tlga aq ng pag-asa. pero nde pa rin aq umalis kasi sabe ng mga blockmates q, tignan q pa rin dw. grabeh! super gulat q ng bglang aq pa yung unang-unang natawag!! as in napasigaw c dona at aisa! tpos aq napatayo at almost napatalon sa tuwa! tawa ung buong class oh. aargh! kahiya! :P

*alam nyo, may something tlga sakin pagdating sa mga bunutan. nung chem class q last sem nabunot din aq (out of the class ah) na umamin ng crush sa room para sa bonus points! tpos nung geog1 class q, aq nanaman nabunot (out of the whole class ule) para mag-represent ng class sa amazing race! haay..naku malas tlga! pero ngaun, wow! napakinabangan q rin! hehe :D sbe nila dona try q daw sumale ng lotto..*

haay naku, tpos strike pa ng mga jeep! kaya tuloy nde pa aq makapag-enroll kasi malamang suspended yung class.. :P nde tlga aq matapos-tapos. sana 2m okay na. :D

Saturday, April 16, 2005

soObrang busog and other updates

*wow! ..grabeh! ang bigat ng feeling.
super duper busog!
kakagaling lang namin (as in the whole family) sa saisaki sa west ave.
grad celebration kasi ni voltaire tonight kaya kumain kame.
buffet yun kaya dapat sulitin! (haha)
pabalik-balik aq kasi ang daming choices.
pero ngaun, nagsisi na aq!
wahh! sobrang uncomfortable yung feeling..
parang ang sarap magsuka! :P
haha.

*nde pa q tpos mag-enroll for summer.
plan q xc ay mag-prerog na lang sa math100.
sana tlga matanggap aq sa class na gusto q (please!!).
kasi nandun marami sa blockmates q at c sir abueg yun.
meaning, okay magbigay ng grade! hehe. :D
kaya sa monday magtitiis aqng mag-late registration para lng makuha yung class na yun. hehe.

*happy 15th kay jodi and ice! :D :D

*naadik aq ngaun sa memories of bali and stained glass!
cute tlga ng mga bida sa memories!.. hehe. :D
tpos kakakilig pa and everything yung mga nangyayari.
cutie!

*naadik din aq sa american idol! pero medyo bad trip xc fave q dati c nikko smith tpos out na 2 weeks ago. :( sad. pero masaya pa rin manood eh.

*medyo bad trip yang PBL n yan! natatalo na lately granny goose :(
kainis! hehe. oh well, i'll still watch it.. :P

*gusto q n tlga baguhin blog q. :) basta pa-help n lang aq sa mga tao pag nde na nakakatamad. hehe.

Friday, April 01, 2005

april 1, 2005

*kainis tlga. may finals pa aq ng chem16 sa monday at infairness, nde pa aq nag-aaral! nakakatamd na tlga. parang feel n feel q na xc ung summer tpos..aargh! naku. hehe. parang ready q na kasing ibaon sa limot ang lahat tungkol sa chem, tpos..finals pa pala!.. haay nku,,

ey guys, pag-pray nyo na lng aq ah. thanks ^-^

*wow, excited na q sa debut ni jodi! wla lang, my mOmi is now a lady. haha. :D at marami pang aabangan sa debut nya.. hmm. ^-^ abangan..

*excited na q sa PBL opening this saturday. i really want to watch it live (as in),, kaya lng nakaka-guilty xc nde pa nga aq nag-aaral sa chem tpos manonood aq. haay..inis tlga. excited aq xc may game UP tpos after that may game naman yung ateneo plus lasalle team,,yup pinag-sama sila. oh dba? parang super nakakahinayang i-miss! dagdag pa dyan na baka pumunta dw c manny pacquiao.. haay..super torn aq! kaya lang, parang mas nakakahinayang namang mag-repeat ng chem16 'pag nde aq nag-aral dba? hehe. :D

Wednesday, March 23, 2005

plans this summer

--> take up math 100 (intro to calculus) and spend the whole month confined in the math building
--> talk to jodi and ice more often. i miss them!
--> spend time with friends
--> be a veggie and spend days in front of the tv.. i miss being a bum. haha.
--> watch PBL live.. hehe. dba stephy?
--> take up social dance?.. not sure.
--> do testimonials for new friends.. mga ka-chem q!
--> go to baguio..?
--> go to EK..?

Friday, February 25, 2005

puyat.. pagOd.. zzz..

sobrang enjoy ang hotel weekend.. pero after nun, natapos na rin ang maliligayang araw namin. kasi oras na para simulan at tapusin ang group report namin sa HRIM 100. tungkol ito sa tourism. basically, we have to choose a place na pwde naming i-promote. within that place, kailangan naming maghanap ng isang tourist destination or attraction (napunta sa group namin historical or educational) na kailangang i-develop. meaning, magre-recommend kami ng ways para mas dumami ang mga taong pumunta dun. pero hindi lang dapat basta-bastang recommendations, dpat mai-dedefend namin yun sa harap ni mam at ng buong class. actually, nung start pa lng nga class na-mention na ito ni mam, kaya lang sadyang mabubuti kaming bata nde namin ginagawa until the last minute..

infairness naman sa amin (kasama ko sa group: donabel, aisa, louie at omai), pinapag-usapan na talaga namin ito. nagpunta na nga kami sa bulacan (napili naming tourism destiantion) last feb 3..? nde q na naalala kung kailan, pero maaga. sa trip namin dun, sobrang enjoy! ang babait ng mga tao, as in super accomodating silang lahat. masaya yung adventure kasi walang ni isa sa aming familiar sa bulacan, so we got around just by asking the ppl there. pero we survived! hehe. after nung pagpnta nun wla nang nangyari! panu ang daming ibang kailangan asikasuhin.. haay.. kaya yung paper namin ginawa lang namin in less than two days..

nung tuesday (feb. 22) buti na lang walang classes nung hapon, may time tuloy kaming pumunta sa bahay nila louie sa mandaluyong. naghati-hati na lang kami ng mga research para i-paraphrase. medyo late na ako nakauwi nun kasi ang layo at matagal din yung ginawa naming paghahanap ng mga kailangang infos. mga 9pm nandito na aq sa bahay, pero super pagod na! ang sarap na nga lang matulog eh, kya lng kailangan finish na the next day yung assigned sa akin kasi mago-overnyt kami sa bahay nila louie.

wednesday (feb. 23) - nakarating kami sa bahay nila ng mga 10am na,,medyo na-late kasi yung iba and everything. pero okay naman na. the whole wednesday nasa harap lang kami ng computer or nasa harap nung mga research. natatakot kasi kaming mag-copy and paste na lang ng lahat eh, feeling namin matinik teacher namin pagdating sa ganyan eh! nung araw na yun, parang ang bilis-bilis ng oras! as in,, sobrang weird pa ng eating time namin. breakfast namin 10:30am na. lunch almost 3pm na. tapos yung dinner 11:00pm n! grabeh. nde na tlga namamalayan yung oras. sobrang aliw kaming lahat sa mama ni louie kasi ang bait nya. laging ang daming handa para sa amin.. nakakahiya na nga talaga eh! pero kasi daw naawa na siya sa amin.. hehe. buong araw gani2 sistema namin: type sa computer tapos ung ibang wala dun, kaharap naman yung ibang research na kailangang i-paraphrase or gawing essay.. haay pagod! ang sakit tlga sa ulo. pero masaya din kasi nakukuha pa nilang magkulitan at magtawanan.. kahit nagpapanic na.. hehe. :)

as in nakapag-pahinga na tlga aq nung 12.30am thursday. wow, in 8 hours dpat tapos na lahat at alam na alam na namin ung report. parang imposible.. pero dahil medyo tpos na ung sa part q, umidlip na aq. natira na lang c louie (gmagawa ng pwer pnt presentation) at c omai.

nagising na lang kaming tatlo nila dona at aisa ng mga 5am. grabeh wlang tulog sina louie. kakahiya.

mga 8am na kami naka-alis sa bahay nila,, on the way nagbabasa pa kami ng mga reports namin habang naka-suot ng business attire.. yup, serious daw dpat itong report naming ito.. lalo tuloy nakaka-kaba! ang init-init tpos naka-slacks kami with matching 3/4-sleeves polo top (tama ba?) and heels. ang init! grabeh sobrang summer na tlga!!! anyway, nakarating kami 8:40am na sa classroom (start nya 8:30am).. buti wala pa si mam. lahat ng tao naka-business attire.. yung ibang lalaki daw parang magpro-prom. hehe. yung iba daw mukhang waiter.. :) sama! nde,,

okay so fast forward sa report namin,, malas! nde pa nag-work yung CD ni louie kung saan nandun yung power pnt presentation! grabeh, nakakapanghina! kinailangan tuloy naming mag-report ng walang kahit ano.. pero buti naman nakayanan. cguro nag-work yung buong araw mo kaharap yung research kaya kahit papano marami ka ring na-absorb.

kya ngaun..puyat! ang bigat ng mata namin the whole day.. eh aq hanggang 5.30 pa nman class q.. gudlak dba?

lesson? stop cramming na nga! hehe.. as if kaya..!

Monday, February 21, 2005

hotel weekend

anu? ang hotel weekend ay ginagawa bawat semester ng HRIM 100 (introduction to hotel, restaurant and institution management) class. ito ay ang pagtigil ng klase sa isang piling hotel ng isang weekend, kung saan masasaksihan ang iba't ibang career talk at tours na maari naming gamitin sa aming hinaharap sa hospitality industry.
sino? kasama ang dalawang klase ng HRIM 100, kya buong block namin plus shiftees at iba pang mga kaklase..
saan? ngayong taong ito, ang napiling lugar ay sa oakwood.
magkano? medyo mahal tlga, for 22 hours na pagtigil sa oakwood nagbayad kami ng 2000 pesos each.

eto ang mga nangyari..

February 19, 2005 *saturday*
11.30am wahh! nde pa ako nakakapag-pack! magme-meet pa naman kami ng 1pm sa vinzons. wla pa akong mga baon, kailangan ko pa atang mag-plantsa at maghalungkat ng bathing suit. ayun kasi sa mahal naming guro, maari naming gamitin ang iba't ibang facilities nila doon.. pool, gym, private kitchen etc.. nakaka-excite! pero nakakagulo din ng utak.
11.35am nagsimula akong mag-pack ng gamit.
12nn naligo na ako at nagbihis. nde na ako nakakain ng lunch kasi late na ako at wala pa akong ibang kasama sa bahay, nakakatamad pang magluto, kaya alis na ako ng quarter.
1.04pm as usual aq nanaman pinka-maaga. sinasabi nila ang lapit dw ksi ng bahay q! oo nga nman, pero kahit na mas maganda kung on time. hehe.
1.06pm dumating na si nancy. okay 4 pa ang hinihintay!
1.15pm halos sabay dumating si donabel at kite.. yan dalawa na lang aalis na kami. medyo nagmamadali kami kasi check-in daw ay 2pm, bka ma-late kami! ayaw nga naming mabawasan pa yung 22 hours naming stay. hehe.
1.40pm nalaman lng namin na nde na pala sasabay yung dalawa pa nming hinihintay. okay so alis na kami agad. naisip q, buti na lang nauna na si jozy, para kahit ma-late may tao na sa room.
2.15pm nasa mrt na, medyo mahaba pa biyahe pero mabilis naman.. c dona sobrang excited, kulang na lang tlgang tumalon sa bintana..hehe joke! ang bigat ng dala namin.. may dala pa kasi kaming tubig! para daw mas mura..
2.35pm nakarating na rin kami! c jozy kanina pa nagmi-miss call.. nakarating na yun.. anu kayang ginagawa nya? pero nde na aq nag-worry para sa kanya, kasi sobrang experienced naman na siya sa hotels eh.. alam kong okay siya.. kami nga mas nalilito eh! sa lobby nagcheck-in na kami, wow aliw aq sa metal key card nmin ah. tag-iisa pa kami.. hehe..pagpasensyahan na, first time eh. :)
2.45pm excited na kaming umakyat sa rooms namin.. yess! katabi namin ng room sina sherry..! 19th floor kami, sana maganda view.. room 1906.. nung una, natanga kami sa pagbukas ng pinto.. pero na-gets na rin namin! hehe. pagpasok, kita q c jozy, natutulog! sawa na agad sa room.. yung room?! exagge.. ang ganda tlga.. 2 rooms.. 1 king size bed, 1 queen size bed.. 1 regular bed.. 2 bathrooms.. one bath tub.. 2 tv with cable.. 2 phone lines.. 1 dvd.. 1 cd player.. kitchen.. dining area.. living rm.. may washer-dryer.. microwave.. utensils and all that. grabeh sigaw kami! hehe. mga excited nga.. :) aliw aq sa bed, kasi ung sa king size kasya na kaming apat (ako, jozy, donabel at aisa).
3pm bumaba kami kasi may career talk sa isa sa function rooms nila. dito marami kaming natutunan. ang oakwood ay nde pla hotel, apartelle (?) daw siya. kya pla sobrang complete yung facilities.. ang nagbibigay ng talk? si ate tin-tin leones, isa sa heads sa sales dept, aliw kasi taga-UPIS siya! wow, proud kami ni jozy.. :)
6.30pm natapos yung talk. balik kami agad sa yunit namin, c jozy at kite excited manood ng basketball sa tv. kaming iba nagpa-plan para sa dinner.. nag-decide na lang na bumili ng pizza sa baba.. aliw ulit kasi sa baba ng oakwood ay glorietta. dito kami bumili sa pizza hut at iba pang snacks.. may plano kaming i-surprise c jozy ng cake para sa bday nya kaya buti na lang nanonood sila ng basketball! :)
8pm kumain kami. grabeh nalipasan na ata kami ng gutom.. kasi most of us, nde pa din naglu-lunch.. pero enjoy pa rin sa pagkain.. nde muna namin binigay yung cake.. sa gabi na daw. :)
8.45pm nag-swimming kami sa pool nila.. wow lamig! exagge. buti na lang may jacuzzi! first time ulit. hehe.
10pm na kami umahon..closing na daw kasi ng pool.. sinulit namin ung time siyempre! c jozy at kite nag-stay sa taas nde nag-swimming kasi kailangan dw nilang mag-aral para sa exam sa monday..
11.30pm binigay na ang surprise na cake dapat kay jozy.. na-surprise din aq. kasama pala ako sa binibigyan ng cake.. so bale, sine-celebrate namin nung gabi un ang bday q, ni jozy at ni aisa. :) kumain kami ng cake, chips at pina-tikim ni sheila ng vodka ice.. masarap cia kasi wla halos alcohol content,,,lasang blueberry ung isa, ung isa sprite, ung isa melon..

February 20, 2005 *sunday*
1.30amdumating iba naming blockmates sa yunit nina sherry at nanonood kaming lahat ng meet the fockers. :)
3.30am uwian na. tpos na kasi ung movie kaya balikan na ulit sa rooms at tulugan na. c jozy nga nauna na kanina pa eh! nde na nanood ng movie,, daya! hehe.
4am antok na antok na aq! c donabel nde pa, nde nya kami pinapatulog ni aisa. kulit-kulit. hehe. pero, wla sobrang antok na kami! tulog na tlga.
7am ginising kami ni donabel. naku, para tlgang walang pahinga yan. excited! hehe. gising na daw kami para maaga sa buffet breakfast (8am to 10am)..
7.30am bumaba na kami, nakita namin ung iba nasa pool area.. nag-stay sandali pero pumasok din agad para kumain.. 8 to 10 tlga kami kakain noh! hehe. :)
8am may private room para sa UP students,,kuha lng daw kme ng food sa oakroom tpos sa dining area kakain.. grabeh pagpnta namin sa oakroom, dami masasarap! hmm. naka-ilang balik nga ulit kami? apat! haha. sarap. may pasta, pwde paluto ng egg (kahit anong klase), iba't ibang bread, ham, cheese, fruits, juice etc.. may pang-kanin pa.. grabeh, sumuko na nga ako nung huli sa sobrang busog. kami yung unang-unang dumating sa private eating area ng 8am, umalis kami ng 9.30am.. exagge na kainan yan! nakakuha pa kami ng yogurts at jam.. take home. hehe. :)
9.35am nasa yunit na kami, ligo, ayos ng gamit kasi check-out time ay 12.30 pm. may isa pang 'talk' ng 11am to 12nn. bath tub kami, kasi para magamit naman lahat. :)
11.45am masyado ata na-enjoy ung bath tub! ang tagal namin. ..nde na kami tumuloy sa 'talk' kasi 15 mins na lang! kakahiya pang pumasok. nag-stay na lang kami at nag-experiment ng kung anu-anong bagay sa yunit. may mga nakakatawang pangyayari habang fini-figure out kung panu gamitin ung dryer..grabeh nakakatakot, kasi baka may masira kami..!
12nn onti na lang ang time! inayos na namin ang lahat bago umalis. nagpicture-picture, nag-last look, nag-take home ng mga toiletries, coffee and fruits, tumalon sa kama..etc..
12.30pm check-out. haay..mami-miss q ung room. hehe.
1-3.30pm nagpnta na lang muna ng glorietta at sm.. kain, liwalaliw, bumili ng pasalubong.. etc..
4.20pm nakauwi na q dito.

..wow sobrang pagod.. pero sobrang saya din. :) hinding-hindi tlga makakalimutan.. bitin nga lng! oh well. dbale, mga 3-4 years from now (or more) babawi kami. hehe.

Monday, February 14, 2005

hell week

whoa! finally tpos na ung week..
*version q ng hell week*

saturday (2.5)

..nagbasa ng 3 chapters ng readings sa geog para sa long exam sa monday....grabe kahilo! i swear! nde xc aq nakakuha ng reviewer kya yan 2loy..kailangan qng basahin lhat-lhat.. ohwell!

sunday (2.6)

..chem naman.. kailangan q tpusin ung 6 chapters sa week na toh, xc saturday na ung exam.. nabasa ko na ung 1 dati, okei so 5 pa! e2 pa naman ung tipong nde q agad nage-gets ng isang basahan lng kaya paulit-ulit. lalong kahilo! buong sunday isa at kalahati nabasa q.. total: 2.5/6


monday (2.7)

*morning: 1pm pa class q kya nung umaga nagbasa na lang aq ulit ng chem para gumaan ung load. natapos q ung unfinished na half the day before..so 3 na nababasa qng chapters..

*2.30 to 4pm break q, kya nag-review aq ng geog para sa test q ng 4pm.. nagpaka-OT aq sa lib ng mag-isa. haha.

*5.30pm..tpos n test q sa geog! yey! nabawasan mga kailangan qng isipin.

*monday night, chem nanaman inatupag q..nakabasa aq ng kalahati ng isa pang chapter (total: 3.5/6). pero kailangan q tumigil xc kailangan q pang mag-review para sa unknown analysis sa chem the next day.. so nagme-memorize aq ng kung anu-anong element nung gabi un. :p puyat nanaman!


tuesday (2.8)

umagang-umaga sa econ class imbis na nakikinig, nagre-review kme ng blockmates q ng chem.. nakakatakot xc ung unknown analysis na laboratory work na yan..individual cia na (sanay kame na nagwo-work with our lab. partners) kailangan malaman mo kung anong mga anions at cations ang laman nung substance na assigned sa iyo.. kinakabahan aq na baka aq lng pumalpak!

buti na lang nakuha q din ung akin! yey! khit 3rd to the last aq natapos. hehe. :)

tuesday afternoon, may break kami ng 2.30 to 4pm that day so tinuloy namin ang pagbabasa ng walang kamatayang chem.

tuesday night..pahinga naman..kailangan bumawi sa tulog. buti na lng walang PE the next day! onti lang binasa ko. total: 4.3 chapters.

wednesday (2.9)

HRIM 100 naman ang kailangan qng atupagin ngaung arawa..2m kasi may 2nd long exam na kame dun. masama dyan, nde cia nag-discuss at alL! binigay lng nya ung reading tpos cnabi na "ok class wla tyo class today, pero next meeting may long exam kyo..just study the readings..i don't know what type of exam this will be,,but focus on the history of the hospitality industry!.." ung readings 6 chapters na worth 60 pesos pag pina-xerox! ang haba. naiinis kme xc sumabay p sa chem! haay naku. so the whole day weds nagbasa aq nung mga chapters n un, at nung gabi nagmemorize. objective xc cia magbigay ng exam so gudlak samin.. parang buong weds aq nde lumabas ng kuwarto q! 'kala masipag,,gipit lng. haha. :)


thursday (2.10)

morning..HRIM class..nalaman-laman namin na quiz lng pla!! wahh! sana nag-chem na lang kami imbis na nagbasa nung mga readings nya. haay naku tlga. :( ung quiz pa nya organizational chart! wla man lng tungkol sa history. wow grabe! nde q kinakaya.
anyway, wla naman na kami magagawa..

nung afternoon, essay-type test naman sa eng 11. puro test!

pero may ginawa aq super katangahan,,
nung thursday night, imbis na pagpatuloy ang pagbabasa sa chem, nanonood aq ng re-run ng america's next top model.. oh diba papansin?! haay..ewan q ba. cguro napagod aq masayado sa lhat, kya nag-break aq ng wala sa oras..lalo pa't may 2 long quiz bukas sa chem. isa sa lecture at isa sa laboratory! mamamatay aq sa mga test bukas.


friday (2.11)

..anu nangyari? namatay aq..as in dead n dead! hehe. as expected! buti na lng nde malaki sa percentage un..as in buti na lng tlga.
kya nung gabi, tinapos q ung 2 chapters na kulang q. actually nde q tinapos,,ung iba nde q na binasa xc nde na aabot! bukas ng ung test ng 3pm.. haay..another puyatan session. pangpagising q? pepsi. ewan q kung bkit un. pero xc nde aq pwede ng kape sa gabi, masyado malakas tama q dun! as in nde na tlga aq makakatulog pag uminom aq!


saturday (2.12) THE day

nag-review ng umaga hanggang mga 1pm. dpat dadaan aq sa chapel, pero wla n tym. nag-pray na lng aq before leaving. diretso na aq sa chem pav. at naghintay. haay..super kabado aq. as in. parang feel q lahat nakasalalay sa isang test na toh. ayaw q n tlga ulitin chem16.. sawang-sawa na aq sa Brown LeMey book n yan..

after ng exam: masaya xc finally tapos na rin ung dine-dread q the whole week. nde q na kailangan magpuyat ng sobra-sobra para lng magbasa ng nde q nman naiintindihan.
nde q lam kung anong mafe-feel q pag nakita q ung score, sana ok naman. sa ngaun, nde q muna iisipin! paka-enjoy muna aq noh. hehe.

finally natapos din ang week n un. :)

Wednesday, January 19, 2005

updates! updates!

first of all.. yey! may internet access n ulit d2 sa bhay! :) nde n q kailangan mgpaka-late sa shopping para mg-net at pwde q i-update blog q.. tgal q ng walang entry kya updates muna..

--> 2 n tlga posts q, dpat. pero dinelete q ung isa eh. haha. ba't kya?! masyado n xcng mushy eh! yaw q n. tska ung issue is so0oo high school!! forget about it na.

--> 12am. sinusulit q free access sa blast! nagdo-download n dn aq ng yahoo messenger. yeah.

--> may pamatay n exam aq kanina sa geol,,lagi tlga aq malas! hirap nung envi sci teacher q (unlike ung kina franz) last sem, this sem nman geol nga pamatay naman teacher. haay! oh well.

--> may crush aq! ..nde q sure pero may girlfriend n dw xc ata un.. classmate q s geog 1 tpos ka-grp q p! tahimik type n kung humirit iba.. he reminds me of someone, secret kung cno! haha. :)

--> nakaka-sad n nde aq ksama kina rusan, steph, jozy and company every afternoon to entertain their korean friends. 5.30 xc lagi uwian q eh! haay..nagiging ok n lng aq sa mga kwento (at pix) nila. oh well. :)

--> biggest news: my camping adventure last weekend
it was so much fun. sobrang nakakapagod lng at nakakaitim pero it was worth it. ung place, grabe nde q tlga ma-describe sa ganda. as in, "may ganito pala tlgang kagandang place sa pinas?!".. ang saya xc masasabi q n once in my life nakaakyat n qng bundok. where? Mt. Tangisan, Iba, Tarlac. exagge ung pagod sa mismong climb. as in literal n feeling namin nina jozy at masol na bibigay n ung legs nmin! pero wala namang choice eh, xc there's really no turning back. nde tlga pwede sumuko xc if evr, goodluck sa pagbaba! iba dw ung route sa pagtaas at pagbaba xc ciempre mas steep ung pagtaas. once, sbe ni jozy wag dw aq titingin sa baba xc matatakot dw tlga aq. maya't maya may break, pero ganun p rin.. feeling nga namin nde n matatapos ung climb eh. halos more than 2 hours, pagtaas p lng un ah.. kya bugbog tlga! haha. at pagdating sa taas, nagbuhos aq agad ng alcohol sa arms q 2 freshen up..kya lng bglang sobrang hapdi! i didn't realize n ang dami q palang maliliit n sugat! ouch tlga. sayang wla kmeng ganoong pix xc nde nadala ni jozy phone nya, nakikuha n lng kme kina katty. :)
ung mismong camp, mas masaya sympre xc mas relax dun. pero super lamig! kung d2 sa metro mla malamig n nga, lalo p dun sa may bundok! haha. kya jodz and karins, u'd love it there! ang bait p ng counselor nmin xc cia lagi ngluluto para samin. ung ibang counselor wla dw pakialam eh, pero si coach bernie super concerned sa amin. ang sarap-sarap p nya magluto (niluto nya ung gma ingredients n dala namin)! tpos pag kainan n nde cia kumakain gano xc vegetarian cia or something. gusto nya kme lng uubos ng lhat. haay..prang tatay tlga! :) nung sunday, nag-amazing race nman! e2 nakakapagod dn xc pnatakbo-takbo kme ng tanghaling tapat! init. pero sobrang saya nung team building exercise. nakakatawa xc! haha. :) nde q n mabuo kwento q xc inaantok n q!
nakauwi n kme ng mga almost 9pm sa philcoa. from there nag-taxi n lng kme ni mama.

masaya camping xc..
*exercise! nakakpayat ang pag-akyat ng bundok..feel q lng..haha..
*u meet new ppl
*nsa outdoors (malamang)--sarap ng fresh air!
*super ganda ng sights!! exagge.
*bonding with friends..:)